^

Bansa

Digong nasa Russia na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dumating na kahapon ng madaling araw si Pangu­long Rodrigo Duterte sa Moscow, Russia para sa kanyang 4 na araw na official visit mula Mayo 23-26.

Lumapag ang Philippine Air Lines (PAL) charter flight ni Pangulong Duterte kasama ang kanyang delegasyon sa Vnukovo International Airport sa Moscow bandang alas-4:00 ng madaling araw (oras sa Pilipinas) kahapon.

Inimbitahan ang Pangulo na bumisita sa Russia ni Russian President Vladimir Putin makaraang magkita ang mga ito sa 2016 APEC Summit sa Lima, Peru.

Magkakaroon ng magkahiwalay na pulong si Pa­ngulong Duterte kina Pres. Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev. Inaasahan ni Duterte na lalong magiging matatag ang relasyon ng Pilipinas at Russia sa kanyang pabisita sa Moscow.

Nakatakdang bumili rin ng mga armas at precision-guided bombs ang Pilipinas sa Russia upang magamit nito laban sa ISIS at mga local terrorist group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with