^

Bansa

Concerts, target ng ISIS!

Pilipino Star Ngayon
Concerts, target ng ISIS!

Agad na binigyan ng tulong ang mga sugatan na nakahandusay sa loob ng Manchester Arena matapos ang pagsabog sa concert ng international pop singer na si Ariana Grande. (PA via AP)

22 patay sa  Ariana concert

MANILA, Philippines -  Ngayon pa lang ay naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa paglalatag ng mas mahigpit na seguridad sa nakatakdang concert sa Maynila ng international pop singer na si Ariana Grande.

Ito’y kasunod ng malagim na ‘terror attack’ ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa concert ni Ariana sa Manchester Arena, England kahapon na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng halos 60 pa.

Batay sa British police, isang uri ng terrorist attack ang nangyaring pagsabog sa Manchester Arena sa pagtatapos ng concert ng US pop singer.

May mga ilang nagsasabi sa social media website na Twitter na ang ISIS ang responsable sa naturang pagpapasabog. Para naman sa ilan ay paghihiganti umano ito sa nangyaring air strikes sa Iraq at Syria.

Bunsod nito, hinikayat ng PNP ang mga organizers ng Ariana Grande concert sa Manila na gaganapin sa Agosto na makipagkoordinasyon sa mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng events.

“Security adjustments due to blast in England and the forthcoming Ariana Grande concert, the organizers of the concert must involve the local PNP unit so that appropriate security arrangements and assistance can be extended  to ensure the safety of the concert goers,” sabi ni PNP spokesman Dionardo Carlos. 

Binalaan din ng PNP ang publiko na isagawa ang kaukulang pag-iingat sa panonood ng mga concert at malalaking events na maging vigilante at makipagtulungan sa mga awtoridad sa lahat ng oras. 

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Carlos na may sapat na kakayahan ang PNP na humawak ng mga international events tulad ng katatapos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na nakatakda sa Nobyembre 2017.

“We should not be spending less in securing the attendees,” ani Carlos na iginiit na magpapatupad sila ng security adjustments depende sa pangangailangan.

Sa kabila nito, iginiit ni Carlos na bagaman wala namang namomonitor na banta ng terorismo ang PNP  sa Grande concert sa Agosto ay mas mabuti na ang nakaalerto sa lahat ng oras.

Nakiramay naman si Pangulong Duterte sa mga nasawi sa nasabing terror attack.

“President Duterte sends his deepest sympathies and concern to the families of the dead and wounded in the Manchester incident; as well as appreciation for the excellent handling by police/security forces,” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Samantala nagpaabot din ng pakikiramay si Aria­na sa mga naging biktima kasabay ng paghingi ng paumanhin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with