^

Bansa

Mar Roxas padadaluhin sa Senate hearing ng MRT mess

Pilipino Star Ngayon
Mar Roxas padadaluhin sa Senate hearing ng MRT mess

MANILA, Philippines – Upang maipagtanggol ang sarili, iimbitahin ng Senate Committee on Public Services si dating Transportation Secretary Mar Roxas sa kanilang pagdinig sa mga anomalya ng MRT-3.

Sinabi ng committee chair Sen. Grace Poe na kailangan ipaliwanag ni Roxas ang mga pinasok na kontrata ng gobyerno noong siya pa ang nakaupong kalihim ng noo’y Department of Transportation and Communications.

“Sa ngayon, sa tingin ko dapat na siyang ipatawag. Para sa atin, pagkakataon niya para ma-eksplika ang kanyang sarili dahil sinabi ni Al Vitangcol na nagpadala ng liham at mayroon syang pruweba, dokumento na napadala kay Sec. Mar Roxas. So gusto nating malaman kay Sec. Roxas bakit nya hinayaan na mag-lapse ang contract,” wika ni Poe.

Si Roxas ang sinisisi ni dating MRT General Manager Vitangcol sa kapalpakan sa MRT-3.

“Isa pa yang natuklasan natin ngayon—na nagpadala si Al Vitangcol ng liham kay Sec. Roxas na sabi ay dapat ayusin na natin ang bidding para dito sa maintenance provider kasi matatapos na yung kontrata ng Sumitomo o tapos na, at hindi ito inaksyunan,” pahayag ng senadora.

“Nakita natin na mabagal din ang pagkilos at alam naman din natin yun. Nakita natin na talagang hindi kumilos o mabagal lang kumilos ang mga nakaraang nakaupo diyan sa DOTC. Ngayon, mas malinaw na meron talagang isang tao na konektado sa nakaraang adminstrasyon na tila palagi na lang nananalo ng kontrata,” dagdag niya.

Saglit na umupong kalihim ng Transportation si Roxas noong Hulyo 2011 hanggang Oktubre 2012 bago naging kalihim ng Department of Interior and Local Government sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with