^

Bansa

Pag-aaral muna bago pakikipagrelasyon – Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa Hunyo, nagpaalala ngayon ang isang Obispo sa mga kabataan na unahin ang pag-aaral bago ang pakikipag relasyon.

Ayon kay Bishop Roberto Mallari ng CBCP Commission on Youth, makabubuting isantabi muna ang pakikipagligawan at pakikipagrelasyon dahil maaari itong maging sagabal para makapagtapos sa pag-aaral.

Aniya, wala namang kailangang ipagmadali ang mga kabataan at estudyante, dahil lahat naman ay may tamang panahon.

Ang edukasyon ang magandang paraan aniya para tumanaw ng utang na loob sa mga magulang ang makatapos ng pag-aaral.

Kaugnay nito, hinihimok rin ni Bishop Mallari ang mga mag-aaral na umiwas muna sa mga bisyo at luho, at pagtuunan ng atensyon ang pagpasok sa paaralan at pagiging mabuting mamamayan.

Wika pa ng Obispo, mapalad ang estudyante napag-aaral ng kanilang magulang dahil maraming kabataan ang naghaha­ngad ng edukasyon suba­lit hindi mapag-aral ng kanilang magulang dahil sa kawalan ng pantustos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with