^

Bansa

Gawang Pinoy ipinagmalaki ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang suot na relo na Filipino made na may tatak na Ibarra.

Hinimok din niya ang kanyang gabinete na tangkilikin ang mga Filipino products tulad ng relong Ibarra gayundin ang mga sapatos at boots na gawang Marikina.

Aniya, wala nang ibang aasahan na mag-promote ng mga Filipino products tulad ng suot niyang relo na Ibarra kundi mismong Filipino.

Inatasan din niya ang mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isuot ang mga gawang Marikina na boots dahil talagang maganda at matibay ang mga ito.

Aniya, siya mismo ay gawang Marikina ang sinusuot niyang boots upang ipakita sa ibang nasyon na mayroon ta­yong tatak gawang Filipino na tunay na maipagmamalaki.

Ginawa ng Pangulo ang apela matapos ang kanyang departure speech kahapon bago tumulak patungong Moscow mula sa Davao International Airport bandang alas-4:00 ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with