^

Bansa

Honorary degree tatanggapin ni Digong sa Moscow

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Honorary degree tatanggapin ni Digong sa Moscow

Tatanggap ng honorary doctorate si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pamosong Moscow State Institute of International Relations sa pagbisita nito sa Russia. Damir Sagolj/Pool Photo via AP

MANILA, Philippines - Tatanggap ng honorary doctorate si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pamosong Moscow State Institute of International Relations (MGIMO) sa pagbisita nito sa Russia.

Umalis kahapon bandang alas-4:00 ng hapon mula sa Davao City International Airport si Pangulong Duterte upang bumisita sa Russia mula Mayo 23-26.

Nakatakdang dumating naman sa Moscow si Duterte Lunes ng gabi, oras sa Moscow (Martes ng umaga sa Pilipinas).

Ito ang kauna-unahang international honorary degree na tatanggapin ni Duterte mula ng pangulo ito. Magugunita na tinanggihan ni Duterte ang pagtanggap ng doctors of law degree mula sa University of the Philippines kamakailan.

Nakatakdang magtalumpati si Pangulong Duterte sa MGIMO sa Mayo 24 upang talakayin nito ang kanyang independent foreign policy na ipinapatupad.

Magkakaroon din ng dayalogo si Duterte sa mga estudyante ng MGIMO at nakatakdang mag-donate ito ng mga libro sa library ng paaralan.

Ang MGIMO ay isang elite institution para sa diplomatic training at international relations, ayon sa Department of Foreign Affars (DFA).

Nakatanggap na rin ng honorary doctorate degree mula sa MGIMO si dating Pangulong Ramos ng bumisita ito sa Moscow noong 1997.

Ang pinakahuling binigyan ng honorary degree ng MGIMO ay sina French President Nikolas Sarkozy at Kyrgyzstan Minister of Foreign Affairs Erlan Abdyldaev noong 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with