^

Bansa

Kaso vs lady colonel dedesisyunan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusumite na ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato’dela Rosa sa loob ng 15 araw ang kanilang rekomendasyon at reso­lusyon kaugnay ng kasong kinakaharap ni Supt. Maria Christina Nobleza na umano’y lover ng isang Abu Sayyaf Group (ASG) bomb expert.

Ito ang nabatid kahapon kay  PNP Inspector General  Atty. Alfegar Triambulo, matapos mapaso na kahapon ang ibinigay na 10 araw na palugit kay Nobleza para magsumite ng kaniyang depensa.

Una nang isiniwalat ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa  na ‘sleeping with enemy’ si Nobleza bunga ng pagkakadiskubre na nakipagrelasyon ito sa isang Abu Sayyaf bomb expert at nakipagsabwatan pa sa bandidong grupo.

Si Nobleza ay nasakote sa Clarin, Bohol noong Abril 22 ng taong ito matapos na maharang sa checkpoint sa highway ng Brgy. Bacani, Clarin  habang kasama sa behikulo ang kaniyang Abu Sayyaf bomb expert na lover na si Reener Lou Dungon.

Sinasabing tinangka ni Nobleza na i-rescue ang ilan pang kasamahan ni Dungon kabilang ang sugatang si alyas Saad  na kasamahan ng 11 teroristang Abu Sayyaf na pumasok sa Inabanga, Bohol.

Una nang nagdepensa si Nobleza na isa umano siyang Deep Penetration Agent (DPA)  na ang mission order  laban sa mga bandido pero ayon sa mga opisyal ng PNP ay isa itong Deputy Director ng Crime Laboratory Group sa Region 11 at hindi bahagi ng trabaho ang pumasok sa ganitong uri ng misyon.

Sinabi ni Triambulo, grave misconduct o conduct unbecoming of an officer ang nakikita nilang posibleng kasong kaharapin ni Nobleza.

“Her act tarnished the image of PNP and that constitutes grave misconduct or conduct unbecoming,” anang opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with