^

Bansa

Digong tatanggap ng honorary degree sa Russia

The Philippine Star
Digong tatanggap ng honorary degree sa Russia

MANILA, Philippines — Isang honorary doctorate degree ang nakaabang kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagbisita sa Russia sa Miyerkules.

Ayon sa Malacañang ngayong Lunes ay tatanggap ng honorary degree si Duterte mula sa Moscow State Institute of International Relations kasabay ng kaniyang official visit sa bansa.

Ito ang kauna-unahang honorary degree ni Duterte bilang Pangulo dahil nitong nakaraang buwan lamang ay tinanggihan niya ang plano ng University of the Philippines (UP) na bigyan siya.

Inaasahang magbibigay ng talumpati at dayalogo ang Pangulo sa mga mag-aaral ng pamantasan.

Bukod kay Duterte ay nabigyan na rin noon si dating Pangulo at ngayo’y adviser ni Duterte na si Fidel Ramos at dating United Nations Secretary-General Ban Ki-moon na binatikos ang kampanya laban sa ilegal na droga ng Pilipinas.

Tinaggihan ni Duterte ang alok ng UP dahil aniya’y hindi siya tumatanggap ng mga parangal bilang “matter of personal and official policy.”

 “With due respect to the University of the Philippines, I do not accept (awards). Even when I was mayor, I do not accept (awards),” sabi ni Duterte noon sa Bohol noong Abril 19. “Wala sa pagkatao ko (It goes against my personality).”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with