^

Bansa

Public Service bill ok na sa House

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasa na sa House Committee on Economic Affairs ang substitute sa House Bill 446 ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na aamyenda sa “statutory definitions” ng Public Service at Public Utility, sa ilalim ng 80-taong Philippine Public Service Act o Commonwealth Act No. 146.

Ang HB 446 ni Salceda, “An Act Further Amending Commonwealth Act No. 146, or the Public Service Act” ay kinikilalang napakahalagang panukalang batas dahil babasagin nito ang mga monopoly at mapapadali ang pagpasok ng 100% pamumuhunan sa mga industriya ng telecoms, transport at enerhiya sa bansa.

 Layunin ng HB 446 ang wakasan na ang kontrol ng mga monopolya sa naturang mga industriya na naging dahilan ng pagsakal sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa sa napakatagal ng panahon, ayon kay Salceda, senior vice chairman ng House Committee on Economic Affairs.  

Ayon kay Salceda, lili­nawin ng bill ang mala­labong ‘statutory definition’ ng   Public Service at Public Utility, na naging daan para masolo ng mga mono­polya ang mga industriya ng telecoms, transport at enerhiya na nagpapahirap sa mga ‘consumers’ nito at sa bansa.                      Sa ilalim ng panukalang batas, itinatalaga ring huwag lalampas sa 12% ang dapat kita sa pagpapatakbo ng mga public services at public utilities gaya ng mga naging pahayag na ng husgado. Ang naturang mga pagbabago, ayon kay Salceda, ay magpapababa sa presyo ng kuryente, tublig at iba pang mga pampublikong paglilingkod, at magpapasulong sa tunay na kumpetisyon at pambansang kagalingan.

 Kasama sa mga pa­nukalang amyenda ang palipat ng mga tungkulin ng Public Service Commission sa mga akmang ahensiya gaya ng Department of Transportation, Aviation Authority of the Philippines, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority, Department of Information and Communications Technology, Department of Energy, National Water Resources Board, Local Water Utilities Administration, at iba pa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with