^

Bansa

Protest caravan lalarga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Protest caravan lalarga

Ayon kay Piston secretary general George San Mateo, tuloy na tuloy na ang protest caravan sa Metro Manila, sa mga probinsya tulad ng Cagayan province, Lucena,  Laguna, Albay, Bacolod, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Capiz at Davao, General Santos, Butuan at Cagayan de Oro. File

MANILA, Philippines - Wala nang makakapigil sa ilulunsad na protest caravan ng grupong Piston (Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide) ngayong araw.

Ayon kay Piston secretary general George San Mateo, tuloy na tuloy na ang protest caravan sa Metro Manila, sa mga probinsya tulad ng Cagayan province, Lucena,  Laguna, Albay, Bacolod, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Capiz at Davao, General Santos, Butuan at Cagayan de Oro.

Nilinaw ni San Mateo na hindi layunin ng kilos protesta na magkaroon ng paralisasyon kundi ang pagkakaroon ng mapayapang pagkilos sa tanggapan ng LTFRB at Deparment of Transportation and Comunications (DOTC) kung kaya ang porma ng pagkilos nila ay protest caravan at walang transport strike.

Giit nito, pangunahing concerned nila sa pagkilos ang mga operators ng mga sasakyan na siyang maapektuhan ng pag-phase out ng mga lumang public utility vehicles (PUVs).

Sa halip anyang i-phase out bakit hindi na lang ang pagsasaayos ang gawin na mas mura at madali pang mabayaran ng mga operators kaysa ang ipapalit na mungkahi na electric vehicle na lubhang mahal at hindi kaya ng bulsa ng mga mahihirap na operators.

Magtitipon muna ang transport group sa Metro Manila sa Quezon City Circle bago sila pumunta sa head office ng LTFRB at DOT.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with