PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ibibigay na housing ‘wag ibenta

Pinangunahan kahapon ng Pangulo Rodrigo Duterte ang ground breaking ng Biyaya ng Pagbabago Housing project na itinaguyod ng National Housing Authority (NHA) sa tulong ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation. Philstar.com / AJ Bolando, File

Pakiusap ni Digong

MANILA, Philippines -  Nakiusap si Pangulong Duterte sa magiging benificiaries ng housing project sa Davao City na huwag nilang ibenta ang ibibigay sa kanilang unit.

Pinangunahan kahapon ng Pangulo ang ground breaking ng Biyaya ng Pagbabago Housing project na itinaguyod ng National Housing Authority (NHA) sa tulong ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation.

“It’s going to be a ‘lottery’ and fair treatment. Ang turn over sa March siguro. Sa loob ng 18 buwan matitirahan na,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa ground breaking ceremony sa barangay Los Amigos, Tugbok District, Davao City.

Pinuri naman nito si Ramon Ang ng SMC dahil sa donasyon nito sa nasabing housing project na hindi ipinagyayabang sa media. Ang nasabing pabahay ay para sa AFP at PNP personnel kung saan ay kabilang din ang mga rebel returnees.

Idinagdag pa ni Duterte, bukod sa inilaan niyang pabahay para sa NPA rebel-returnees ay naglaan din siya ng mga unit para sa mga nasunugan ng kanilang tahanan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: