PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Phl-US Balikatan nagtapos na

Ang Phl-US Balikatan na nag-umpisa noong Mayo 8 at pormal na nagtapos kahapon ay nilahukan ng 2,600 tropang Kano at 2,800 naman mula sa AFP na sumentro sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) at counter-terrorism. Ted Aljibe/AFP, File

MANILA, Philippines -  Inaasahan ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Estados Unidos na higit pang magiging produktibo ang war games sa susunod na taon makaraang pormal na magtapos na kahapon ang Phl-US Balikatan 2017 joint military exercises. 

“We in the AFP are most thankful to our friends for sharing this path of shared learning and collaboration with us. Thank you very much and we look forward to seeing you again next year for an event more productive and informative Balikatan Exercises,” pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año.

Sinabi ni Año na nanatiling matatag ang samahan ng tropa ng AFP ng American troops  na nakipaglaban para sa kalayaan at demokrasya sa mahabang panahon ng alyansa.

Ang Phl-US Balikatan na nag-umpisa noong Mayo 8 at pormal na nagtapos kahapon ay nilahukan ng 2,600 tropang Kano at 2,800 naman mula sa AFP na sumentro sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) at counter-terrorism.

Sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na tagumpay ang ilang buwang pagpaplano para maisakatuparan ang Phl-US Balikatan joint military exercises na higit pang nagpatibay ng alyansa at nagpalakas ng kapabilidad para sumabak sa anumang mga hamon.

Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang desis­yon para ipokus ang HADR sa joint military exercises sa taong ito ay dahil palagi ng dumaranas ng malalakas na bagyo at iba pang kalamidad ang bansa. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inihayag nito na sa dalawang linggong military exercises ay maraming natutunan ang Pilipinas at US troops upang palakasin pa ang kakayahan sa pagresponde sakaling may tumamang matitinding kalamidad sa bansa tulad ng super bagyo at ang pinangangambahang 7.2 magnitude ng lindol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: