PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tax reform package may malaking epekto sa LPG

Sa House Bill 5636 ay tataasan ng P3 excise tax ang kada litro ng LPG pagpasok ng 2018. Dadagdagan pa ng P2 sa 2019 at P1 pa sa 2020. Jonjon Vicencio/File

MANILA, Philippines -  Nangangamba si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na magkakaroon ng malaki epekto sa sambahayan ang tax reform package na itinutulak ng Department of Finance (DOF).

Sabi ni Zarate, sa LPG pa lang ay ang laki na ng itataas nito.

Sa House Bill 5636 ay tataasan ng P3 excise tax ang kada litro ng LPG pagpasok ng 2018. Dadagdagan pa ng P2 sa 2019 at P1 pa sa 2020.

“Kada kilogram sa isang 11kg na cylinder na panluto ay may 1.96 litro ng LPG. Kaya sa 2018 ay madadagdagan ng P64.68 ang P541 11 kg LPG ngayon at ito ay magiging P605.68 na. Sa 2019 naman ay  P648.8 na at P670.36 sa 2020,” dagdag ng kongresista.

“Sa ganitong pangyayari ay magiging pabigat sa mga nanay at siguradong magmamahal din ang mga pagkain sa mga ka­rinderya at maging sa mga restaurant,” ayon kay Zarate.   

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: