PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte bibisita sa Russia

Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na linggo kung saan ay makakapulong niya sina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medveded. ROBINSON NIÑAL JR./Presidential Photo

MANILA, Philippines -  Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa Russia sa susunod na linggo kung saan ay makakapulong niya sina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medveded.

Pakay ng official visit ng Pangulo na lalo pang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa. Inimbitahan si Duterte ni Putin na bumisita sa Russia ng magkita sila sa APEC 2016 sa Lima, Peru.

Sinabi ni Foreign Affairs Asec. Cleofe Natividad, na ang official visit ni Duterte at kanyang delegasyon sa Russia ay mula Mayo 23-26.

Aniya, ang tema ng pagbisita ay “Building a stronger partnership: A new chapter in Phl-Russia relations”.

Nakatakdang saksihan din nina Duterte at Putin ang mga lalagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa larangan ng defense cooperation, mutual legal assistance at extradition.

Winika ni Natividad, ang kasunduan sa military technical cooperation sa pagitan ng Russia at Pilipinas ay posibleng maging daan upang bumili ng armas ang Pilipinas sa Russia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakatakdang magtungo din si Duterte sa Saint Petersburg upang bisitahin ang military shipyard at dumalo sa business forum para imbitahan ang mga Russian investors na magnegosyo sa Pilipinas.

Magkakaroon din ng pakikipagkita si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Moscow sa May 25.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: