PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 Cabinet men ni Digong bigo sa CA

MANILA, Philippines -  Kailangang muling italaga ni Pangulong Duterte ang 3 Cabinet members nito na nakatakdang ma-bypassed ng Commission on Appointments (CA) sa adjournment ng Kongreso sa June 3.

Sinabi ni Senate President Koko Pimentel, ang mga Cabinet members na hindi nakumpirma ng CA habang nasa sesyon ang Kongreso ay kinukunsiderang bypassed.

Ayon naman kay Senate Majority Leader at CA member Tito Sotto, walang naka-schedule na hearing para sa confirmation nina DSWD Sec. Judy Taguiwalo, DAR Sec. Rafael Mariano at Health Sec. Paulyn Jean Ubial hanggang sa mag-adjourn ‘sine die’ ang Kongreso sa June 3.

Ipinaliwanag pa ni Sotto, kailangang resolbahin pa ng CA rules committee ang inihaing resolusyon ni Sen. Bam Aquino na rebyuhin ang rule hinggil sa secret voting ng CA na nagresulta sa pagbasura sa appointment ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Wika ni Sotto, ang confirmation hearing ng 26 military officers na nakatakda sa Miyerkoles ay matutuloy dahil hindi naman kailangan dito ang ‘secret voting’.

Magugunita na na-bypass din ang 3 gabinete ni Pangulong Duterte bago mag-recess ang Kongreso noong Marso kaya ni-reappoint lamang ang mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: