PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

No peace deal sa CPP-NPA – Digong

“I will not sign anything hangga’t hindi kayo tumitigil sa paglaban. They should stop immediately their continued ambush in the countryside,” pahayag ng Pangulo sa mensahe nito sa ground breaking ng housing project sa Davao City kahapon. File

Hangga’t tuloy sa pag-atake

MANILA, Philippines -  Siniguro ni Pangulong Du­terte na wala siyang lalagdaan na anumang kasunduan sa Communist Party of the Philip­pines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) hanggang patuloy ang pag-atake ng mga ito sa government forces.

“I will not sign anything hangga’t hindi kayo tumitigil sa paglaban. They should stop immediately their continued ambush in the countryside,” pahayag ng Pangulo sa mensahe nito sa ground breaking ng housing project sa Davao City kahapon.

Aniya, hindi din ihihinto ng military at police ang kanilang operasyon laban sa NPA hanggang patuloy ang pag-atake ng mga communist rebels sa go­vernment forces sa kanayunan.

Idinagdag pa ni Duterte, inamin sa kanya ng ilang communist leaders na hindi kayang kontrolin ng liderato ng CPP ang lahat ng units ng NPA.

Magugunita na patuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF panel sa 5th round bago matapos ang buwang ito na gaganapin sa The Netherlands.

Samantala, hinamon din ng Pangulo ang founding chairman ng CPP na si Jose Maria Sison na bumalik na ng bansa upang makapagpagamot ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Siniguro ni Duterte kay Joma na hindi niya ipapaaresto ito sa sandaling magpasyang umuwi na ng bansa.

“Basta nangako ako kay Joma Sison na hindi ko sya ipapakulong kapag bumalik sa bansa dahil maysakit siya,” dagdag pa ng Pangulo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: