PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Yaman ni Leni bumaba dahil sa gastusin sa protesta ni Bongbong

MANILA, Philippines – Sa ipinasang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Bise Presidente Leni Robredo ay lumabas na bumaba ng P2 milyon ang kaniyang yaman, anim na buwan mula nang maupo sa pwesto.

Sinabi ng abogadong si Barry Gutierrez, Legal Adviser ni Robredo ay dahil ito sa gastusin sa protesta ng natalong kandidatong si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Vice President Leni Robredo’s net worth decreased due mostly to expenses in relation to the Election Protest filed by Bongbong Marcos, such as filing fee, as well as family and personal expenses,” pahayag ni Gutierrez.

BASAHIN: Robredo naghirap ng P2 milyon sa loob ng 6 na buwan

Hindi pa naman kasama dito ang hiningi ng Korte Suprema ngayong taon na P15,639,000 para sa gagastusin sa proesta, kung saan nakapagbigay ang bise presidente ng P8 milyon bilang paunang bayad.

Nakasaad sa SALN ni Robredo na mayroon na lamang siyang P8,878,11.43 nitong Disyembre 2016 mula sa yaman niya noong Hunyo na P11,053,138.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bumaba ang net worth ni Robredo dahil sa nabawasang cash on hand gayun din ang nasa banko.

BASAHINPET ibinasura ang hirit ni Robredo, pinagbabayad na ng P8M

Inirereklamo ni Marcos ang pagkatalo niya kay Robredo dahil sa umano’y kwestiyonableng resulta ng botohan sa ilang bahagi ng bansa.

Nakabinbin pa rin ang kaniyang protesta sa mataas na hukuman na umuupo rin bilang Presidential electoral tribunal.

Naunang sinabi ni Robredo na pabor siya sa recount upang matapos na ang mga haka-haka sa kaniyang pagkapanalo. 

BASAHIN: Recount! – Leni

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: