PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Talk show ni Digong eere sa PTV-4

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng palabas si Pangulong Rodrigo Duterte upang ihayag ang kaniyang mga saloobin at hinaing sa state-run PTV-4.

Pinamagatang “Mula sa Masa, Para sa Masa” ang talk show na pagbibidahan ng Pangulo at ni PTV-4 Malacañang correspondent Rocky Ignacio.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na wala pang tiyak na araw ang pagpapalabas nito ngunit aniya’y malapit na.

Noong alkalde pa lamang ng Davao ay mayroon ding siyang palabas sa na tinawag na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” na ipinalabas sa local ABS-CBN channel.

Samantala, nauna nang inihayag ang radio show ni Bise Presidente Leni Robredo sa dzCXL.

Bukod sa palabas sa TV ay mayroon ding tabloid ang PCOO kung saan nakalathala ang mga programa ng gobyerno.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: