PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jinggoy pinayagang magpa-check-up ng balikat

MANILA, Philippines – Hinayaan ng Sandiganbayan na makalabas ng kulungan si dating Sen. Jinggoy Estrada upang mapatingnan ang kaniyang balikat.

Sa desisyon ng Fifth Division ng korte ay pinayagan nilang magpa-check-up ng kanang balikat si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center in San Juan City (CSMC).

Mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi ang ibinigay sa dating senador na nakatakdang sumailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) at X-ray.

Sinabihan ng korte si Estrada na kailangang bumalik agad sa kulungan pagkatapos ng check-up. Anila, hindi rin siya maaaring magbigay ng panayam sa mga mamamahayag.

Sagot din dapat lahat ng dating senador ang gastusin sa kaniyang paglabas at pagbalik sa kulungan.

Nakakulong si Estrada sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula pa noong Hunyo 2014 dahil sa umano’y kaugnayan niya sa pork barrel scam.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hiniling niya na makapagpa-check-up dahil sa “extreme pain” sa kaniyang balikat na nagsimula pa noong Abril 2016.

Tumindi aniya ang sakit nitong Mayo 11 dahilan upang hilingin sa korte na makalabas.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: