PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinakamabilis na naaprubahan, Cayetano lusot bilang DFA chief

MANILA, Philippines – Walang humarang sa kumpirmasyon ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) ngayong Miyerkules ay kinumpirma na agad si Cayetano bago pa man niya ibigay ang kaniyang opening statement.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chair ng CA committee on foreign affairs, na ang kumpirmasyon ni Cayetano ang pinakamabilis na nangyari.

Ikinatuwa naman ni Cayetano ang kumpirmasyon ng CA at aniya'y kailangan niyang mag-adjust sa pagiging kalihim mula sa pagiging senador.

"I will continue to speak kung necessary but not in the political manner that was available to me in the Senate because as chief diplomat, kailangan ko rin isaalang-alang 'yung departamento at yung relationships natin sa ibang bansa. So in other words, I will be using a different language, a more diplomatic language," ani Cayetano.

Nito lamang ay si Cayetano ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Universal Periodic Review ng United Nations (UN) Human Rights Commission sa Geneva, Switzerland.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Nakita n'yo naman 'yung pagpresent natin ng human rights record natin sa Geneva 'di ba. We are able to say what the president wants to say but in a diplomatic setting and a diplomatic language," dagdag niya.

Dati nang nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patatalaga kay Cayetano sa kaniyang gabinete ngunit hindi pa lamang noon matuloy dahil sa one-year ban sa mga natalong kandidato ng nakaraang eleksyon.

Si Cayetano ang naging running mate ni Duterte ngunit natalo sa ngayo’y Bise Presidente Leni Robredo.

Kinuha ni Cayetano ang nabakanteng pwesto sa DFA ni dating Sec. Perfecto Yasay Jr. na hindi nakalusot sa CA.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: