Robredo naghirap ng P2 milyon sa loob ng 6 na buwan
MANILA, Philippines — Anim na buwan mula nang maupo sa pwesto ay bumaba pa P2 milyon ang yaman ni Bise Presidente Leni Robredo base sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and New Worth (SALN).
Ayon sa SALN ni Robredo na inilabas ng Office of the Ombudsman, mayroon na lamang P8,878,11.43 si Robredo noong Disyembre 2016 mula sa yaman niya noong Hunyo na P11,053,138.
Idineklara ng bise president ang dalawang bahay niya sa Naga City na binili noong 1994 at 2000, tatlong agricultural lots sa kaparehong lungsod na nakuha noong 1995 at 2000.
BASAHIN: Duterte yumaman ng P3 milyon sa loob n?g 6 na buwan
Kasama rin sa kaniyang real properties ang orchard sa Pascol, Naga City at memorial lot na ibinigay sa kaniya noong 2012.
Mayroon na lamang din P8,940,111.43 na cash on hand si Robredo mula sa P11,115,138.
Bilang bise president ay tumatanggap ng P148,478 kada buwan si Robredo.
- Latest