Alejano iniisip na iakyat ang kaso vs Duterte sa ICC
MANILA, Philippines — Matapos mabasura ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, pinag-iisipan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at ng kaniyang mga kasama na magsampa naman ng kaso sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Alejano na wala na silang maaaring lapitan sa bansa upang makahanap ng hustisya.
"Actually the ICC can proceed but with what happened right now pinapag-isipan ko ho at i-discuss ko sa grupo na sasama na ho kaming magreklamo sa ICC kasi saan ho tayo papunta, kanino ako magrereklamo, sa DOJ? Kay Secretary Aguirre? Saan tayo pupunta? Wala ho tayong pupuntahan," pahayag ni Alejano ilang minuto matapos ibasura sa House committee on justice ang kaniyang reklamo.
"Ngayon, hahanapan nating paraan para makahanap tayo ng hustisya so pag-iisipan ho naming, idi-discuss ho namin na mag-file din kami ng sariling complain namin," dagdag niya.
Ang reklamo ni Alejano ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Duterte.
Sinabi naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na mahina ang kasong isinampa ni Alejano na gusto lamang magpasikat sa paninira sa Pangulo.
“The impeachment complaint will not reach first base because the allegations are based on hearsay. Others are outright false,” pahayag ni Panelo.
“The complaint is intended to besmirch the reputation of (Duterte) and to get the three minute of fame of the complainant,” dagdag niya.
- Latest