PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong kasama si Leila sa Time’s ‘100 Most Influential’

MANILA, Philippines – Hanggang sa Time magazine’s 100 Most Influential People for 2017 ay hindi nilubayan si Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang numero unong kritikong si Sen. Leila de Lima.

Si Duterte ang nanguna sa listahan sa kategoryang “leaders” habang nakasama rin sa listahan si De Lima sa mga “icon.”

Ang nagsulat ng pagkakauna sa listahan ni Duterte ay walang iba kung hindi si dating Colombia president Cesar Gaviria na kinalaban ang tinaguriang pinakakilabot na drug lord sa mundo na si Pablo Escobar.

Nakasaad sa profile na isinulat ni Gaviria ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Duterte kung saan nabanggit ang umano’y 7,000 katao nang nasawi.

BASAHIN: Digong ‘most influential’ ng TIME magazine

“Hitler massacred 3 million Jews. Now there are 3 million drug addicts. I’d be happy to slaughter them,” panimula ng sinulat ni Gaviria na base sa mga pahayag ni Duterte noon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dati nang pinayuhan ni Gaviria si Duterte sa kaniyang isinulat sa New York Times. Aniya inuulit lamang ng Pangulo ang kaniyang mga pagkakamali nang pamunuan ang Colombia mula 1990 hanggang 1994.

Bilang tugon ay tinawag na “idiot” ni Duterte si Gaviria.

Samantala, pinuri naman si De Lima sa profile na isinulat ni Samantha Power na dating US ambassador to the United Nations.

“Leila de Lima knew with whom she was dealing. Philippine President Rodrigo Duterte (dubbed ‘Duterte Harry’) has insulted Pope Francis, told (United States) President Barack Obama to ‘go to hell’ and expressed regret he did not go ‘first’ in a gang rape,” ani Power.

“Most opposition politicians have kept their heads down, knowing Duterte is both terrifyingly brutal and massively popular. But Senator De Lima has become Duterte’s most vocal critic – a role her friends call suicidal,” dagdag niya.

Nakakulong ngayon sa Philippine National Police Custodial Center si De Lima dahil sa umano’y kaugnayan niya sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

Sinabi naman ni De Lima na siya ang kauna-unahang political prisoner ng administrasyong Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: