PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

GMA sinisi si Noynoy sa problema sa WPS

Ipinapaliwanag ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa ang Ocean Space o ang Maritime area ng Pilipinas kabilang ang Seabed at Suboil at maging ang airspace sa ilalim ng Law of the Sea convention tungkol sa West Philippine Sea isang presscon sa House of Representative kahapon. Boy Santos

MANILA, Philippines -  Mistulang sinisisi ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Atty. Estelito Mendoza sa nakalipas na administrasyong Aquino ang kinakaharap na sigalot ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ito’y matapos na ilabas at ilunsad ni Atty. Mendoza at Arroyo ang primer na may titulong “Oceans Space on Maritime Area of the Philippines” na inilathala sa University of the Philippines (UP).

Sa nasabing primer ay pinapaliwanag nito ang bawat bahagi ng karagatang teritoryong sakop ng Pilipinas.

Paliwanag ni Mendoza, noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nagsimula ang problemang kinakaharap ng bansa sa West Philippine Sea na pinatindi pa ng pagtatayo ng mga isla ng China at panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino matapos na maghain ng reklamo sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Taliwas ito noong panahon ni Arroyo kung saan tinatamasa ng Pilipinas ang kapayapaan sa West Philippine Sea kahit na ipinasa din sa ilalim ng administrasyong Arroyo ang Republic Act 9522 o ang Archipelagic Baselines of the Philippines ay walang pag-alma ang China.

Sa katunayan, nagsagawa pa ng tinatawag na joint seismic undertaking ang Pilipinas at China upang pagyamanin ang natural resources sa West Philippine Sea.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umaasa naman si Mendoa na makakatulong ang kanyang inilabas na primer upang maging basehan sa usapin sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: