PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Counter protest ni Leni vs Bongbong pinababasura sa SC

Hiniling ngayon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal na ibasura ang counter-protest na inihain ni Vice President Leni Robredo. Philstar.com/Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines -  Hiniling ngayon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal na ibasura ang counter-protest na inihain ni Vice President Leni Robredo.

Base sa anim na pahinang omnibus motion na inihain ng kampo ni Marcos sa SC, sinabi nito na dapat ibasura ang counter-protest ni Robredo dahil sa kabiguan nitong magbayad ng protest fee sa takdang oras.

Sinabi ni Marcos na nakasaad sa Rule 34 ng 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal na mayroon itong kapangyarihan na ibasura ang isang protesta o counter-protest kung mabibigo ang petitioner na magbayad sa nakatakdang petsa.

Si Robredo ay bigong makapagbayad ng P8M mula sa kabuuang P15.44M noong April 12 na siyang hinihingi ng PET.

Gayunman, si Marcos ay nakapaglagak ng P36.02M cash deposit na first installment para sa kanyang protesta.

Nauna nang pinagbabayad ng Supreme Court ng P66M si Marcos habang P15M kay Robredo upang masimulan ang kanilang election protest.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: