PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Rent-tangay queen’ itinumba!

MANILA, Philippines -  Pinagbabaril at napaslang ang tinaguriang “rent-sangla queen” na isa sa mga umano’y mastermind sa kontrobersyal na multimillion-peso rent-tangay scam ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa harap ng tahanan nito sa Sta. Rosa City, Laguna nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ni Sr. Supt. Joel Pernito, director ng Laguna Police, naitala ang pamamaslang sa biktimang si Lea Rosales sa Brgy. Malusak, Sta. Rosa City bandang alas-3:40 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, kabababa lamang ng biktima sa kaniyang itim na SUV sa tapat ng kanilang tahanan nang biglang sumulpot sa lugar ang riding-in-tandem at pagbabarilin ang biktima.

Sa imbestigasyon, sinabi naman ni Supt. Joel Estaris, hepe ng Sta. Rosa City Police, kagag­aling lamang ng biktima sa City Prosecutor’s Office para sa preliminary investigation kaugnay ng syndicated estafa na isinampa laban sa rent sangla operation ng sindikatong kinabibilangan nito nang mangyari ang insidente.

Ayon sa opisyal, sinundan ng tandem ang biktima saka pinagbabaril kung saan nagawa pang makatakbo ng ilang metro ng biktima bago ito tulu­yang bumagsak.

Hindi naman namuk­haan ang mga salarin na nakasuot ng ski mask, helmet at bull cap.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabatid na daang behikulo ang tinangay ng mga suspek mula sa mga car rental business na nagreklamo laban sa mga ito matapos na hindi na ibalik at isangla sa kanilang mga kustomer na naghahanap ng 2nd hand na mga behikulo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: