PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Leni tumanggap ng honorary degree sa CamSur university

MANILA, Philippines — Binigyan ng honorary degree si Bise Presidente Leni Robredo ng isang pamantasan sa kaniyang home province na Camarines Sur.

Tinanggap kahapon ni Robredo ang honoris causa na isang honorary Doctor of Humanities degree mula sa University of Saint Anthony sa Iriga City, Camarines Sur.

“My prayer is to be worthy of the honor in all that I do and in all that I am," wika ng bise president sa kaniyang talumpati.

Binigyan ng honorary degree si Robredo dahil sa: “…of her exemplary achievements as a leader, a champion of human rights, a public servant and a Bicolana by blood and heart.” 

Bago maupo sa pangalawang pinakamataas na pwesto sa gobyerno ay naglingkod muna si Robredo bilang kinatawan ng Camarines Sur.

Nanilbihan din siya bilang public attorney at naging miyembro ng SALIGAN na tumutulong sa mga magsasaka, mangingisda, kababaihan at indigenous people.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ito na ang ikalawang beses na binigyan ng honorary degree si Robredo.

Una siyang nakatanggap nito nong 2015 sa the Polytechnic University of the Philippines.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: