PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bongbong camp: Robredo inaantala ang paggulong ng poll protest

MANILA, Philippines — Sinasadya ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na patagalin ang paggulong ng electoral protest laban sa kaniya sa paghahain ng mga mosyon, ayon sa abogado ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

"It is our position and humble submission that the only intent is to delay the already very slow pace of this election protest," sabi ni Vic Rodriguez, legal spokesperson ni Marcos sa ANC Headstart ngayong Martes.

Kahapon ay tumugon si Marcos sa utos ng Korte Suprema na magbayad siya ng P36 milyon bilang paunang bayad para sa gagastusin sa pagre-review ng mga election paraphernalia.

BASAHIN: Robredo camp: P185M gagastusin sa poll protest kay Bongbong lahat singilin

Higit kalahati ito sa hinihingi ng Presidential Electoral Tribunal na P66,223,000 para sa 36,465 clustered precincts.

Sinabi ito ni Rodriguez matapos humirit ang kampo ni Robredo sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Romulo Macalintal sa mataas na hukuman na dapat ay P185 milyon ang bayaran ni Marcos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon kay Macalintal, inirereklamo ng talunang vice presidential candidate ang 92,509 clustered precincts at kung susundin ang kuwenta ng korte na P500 kada presinto ay hindi lamang P66.22 milyon lamang ang dapat bayaran ni Marcos.

BASAHIN: Leni, Bongbong pinagbabayad ng P81.46M sa poll protest

Dagdag niya na kung tutuusin ay ang dating senador dapat ang sumalo lahat ng gastusin dahil sa kaniyang reklamo.

"We have complied. The election protest will continue and we will move for the dismissal of the counter-protest of Mrs. Leni Robredo so in that way the whole process will be able to run its natural cause unimpeded with unnecessary delays being filed by the protestee," komento ni Rodriguez.

Sinabi pa ni Macalintal kahapon na aabutin ng mga nasa 740 araw bago matapos ang pag-review sa 36,465 clustered precincts.

“Wala kaming idea kung kalian matatapos ito.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: