^

Pang Movies

Mga Pinoy na adik sa Kdrama sumugod sa Jeju Island

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil sa apat na araw na pagbabakasyon ko sa Jeju Island, naengganyo uli ako na panoorin ang aking favorite Koreanovela na Descendants of the Sun.

Mabuti na lang, available na ang DVD copies (hindi pirated ha?) ng Descendants of the Sun kaya puwede ko nang ulit-ulitin ang panonood nito.

Kinunan sa Jeju Island ang mga eksena ng Descendants of the Sun kaya naka-relate ako sa mga lugar sa pinasyalan namin ng mga kasama ko.

Na-realize ko na maraming mga Pilipino ang addict sa panonood ng mga Koreanovela dahil tulad ko, nagbakasyon sila sa Jeju Island. Grupo-grupo ang mga Pinoy na nakahalubilo ko sa Island of the Gods ng Korea.

Uge itsinitsismis na kasal na sa italian lover!

Naririto sa bansa si Danilo, ang Italian film critic na boyfriend ni Eugene Domingo.

Nagbabakasyon sa Pilipinas si Danilo na dating pinupuntahan ni Eugene sa Italy kaya lumitaw ang tsismis na kasal na sila at hindi basta boyfriend-girlfriend ang relasyon nila.

Hindi sorpresa ang pagdating ni Danilo sa bansa natin. Sinabi noon ni Eugene sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank 2 na tiyak na dadalaw sa Pilipinas ang mhin na nagpapatibok ng puso niya.

Never na inamin ni Eugene na engaged o kasal na sila ng Italian film critic. Consistent lang siya sa pagsasabi na si Danilo ang nagpapasaya sa kanya.

At least, nakakasiguro si Eugene na hindi siya magiging matandang dalaga dahil nahanap na niya ang kanyang forever.

Trip ni Kris huhusgahan na

Ngayong gabi ang airing ng #TripNiKris, ang one time television special ni Kris Aquino na mapapanood sa GMA-7.

Kung ako ang tatanungin, gusto ko na mag-rate ang Trip Ni Kris at kumita ito nang limpak-limpak na datung para ganahan pa na mag-produce ng mga TV show ang aking new found friend na si Rhodora Pascual Morales aka Mama Doray.

Ang mga katulad ni Mama Doray na hindi umuurong sa mga challenge ang kailangan ng television at movie industry.

Nang sabihin ni Mama Doray kay Kris na ipagpo-produce niya ng television special ang TV host/actress, hindi inisip ng baguhang TV producer ang kanyang kikitain o kung babalik ba ang milyones na pinakawalan.

Mas importante kay Mama Doray na muling mapanood si Kris ng fans nito dahil tagahanga rin siya.

Hindi idine-deny ni Mama Doray na fan siya ni Kris kaya sumugal siya at ito nga ang Trip ni Kris.

Tubong-Nueva Ecija si Mama Doray. Ang mga tourist attraction at mga pagkain sa Nueva Ecija ang mapapanood sa Trip Ni Kris dahil gusto ni Mama Doray na i-promote ang lalawigan na sinilangan niya.

Naniniwala si Mama Doray na lalong uunlad ang tourism industry ng Nueva Ecija kapag umere ngayong gabi ang television special ni Kris. May plano si Mama Doray na makipag-usap sa Department of Tourism para tulungan nito na ma-promote ang Nueva Ecija.

vuukle comment

DESCENDANTS OF THE SUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with