^

PSN Opinyon

Job offer ni Sara sa NPA rebels

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

HABANG nag-uusap ang government at Communist Party of the Philippines/ National Democratic Front/ New People’s Army (CPP/NDF/NPA) peace negotiating panels sa Europe, patuloy namang hinihimok ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga komunistang rebelde rito ng isang job offer para sa kanilang lahat.

Ang job offer ni Sara ay para sa pangkalahatang grupo ng NPA rebels na nag-o-operate dito sa Davao City at hinterlands nito. 

Ayon kay Inday Sara ayaw niya ng isa-isang baba at susurender at mag-aaply sa trabahong kanyang hinahandog sa mga rebeldeng NPA.

Ang alok ni Sara ay kailangang silang lahat ang magtatrabaho sa City Hall na walang requirements na pictures, documents o kung anu-ano pa basta tanggap na silang lahat kung tunay na silang lahat nga. 

At tiniyak naman ni Sara na makakatanggap silang lahat ng karampatang sahod at iba pang benpisyo na nauukol sa mga City Hall employees. 

Itong lahat ay bahagi ng localized peace process na iminungkahi ni Sara. 

Ang gusto ni Sara ay pag-uusapan sa local level ang mga problemang nagbunsod ng kung anong ipinaglalaban ng NPA. At nang sa ganun ay magkaintindihan ang lahat at mahanapan ng naaayong solusyon ang anumang mga suliranin.

Ayon sa mga huling ulat ay sumang-ayon naman ang rebeldeng grupo rito na makipag-usap kay Sara at sa alok nitong kapayapaan. 

Abangan na lang natin kung ano ang magiging kahinatnan nitong pag-uusap na ito lalo na at sinikap naman ni Sara na iabot ang kanyang kamay sa ngalan ng kapayapaan. 

 

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with