^

Punto Mo

Problema na naman sa grupo ng Kadamay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang magsisimula na ang problema sa grupo ng Kadamay  matapos nga na ihayag kamakailan ni Pangulong Digong na ibibigay na sa kanila ang mga kinamkam na unit sa pabahay sa Pandi, Bulacan.

Pero mukhang iba pa ang pagkaintindi dito ng grupo, na biglang dumami ang   bilang matapos ang pahayag ng Pangulo. Aba’y mukhang target sakupin ng mga ito ang iba pang pabahay ng pamahalaan nang ganun-ganun na lamang.

Naku po, iyan na nga ba ang sinasabi ng nakakarami, abusado ang mga ito.

Binigay mo na kamay mo, gusto hanggang braso kunin!

Aba’y mukhang gusto ring okupahan ng grupong ito ang iba pang pabahay sa mga sundalo at pulis sa  Bocaue at Bustos. May report pa nga na nagpaplano rin ang grupong ito  lusubin ang mga pabahay sa Rodriguez, Rizal.

Matindi ang  mga ito na dapat , eh malinawan nila na ang ibinigay lamang sa kanila ay ang mga unit na inokupahan nila sa Pandi, Bulacan.

Hindi pa nga ito klarong mabuti dahil dapat pa silang dumaan sa tamang proseso. Dapat pang matiyak kung talagang sila ay maralita o kualipikado ba sila?

Maging ang mga residente sa pabahay sa Pandi, nagsasabing unfair ito para sa kanila na nagsisikap para mabayaran ang kanilang tinitirhan.

Ngayon, marahil baka sumakit ang ulo dito ni Pangulong Digong sa mga tila pasaway na Kadamay.

Baka imbes na maiwasan ang pagkakasakitan, eh hindi ito mapigilan dahil handa ang ilang homeowners sa ilang pabahay na bantayan at pigilan ang grupong ito.

Parang lalong lumaki ang problema, imbes na masolusyunan.

vuukle comment

KADAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with