^

PSN Opinyon

EDITORYAL - I-promote ang matapang na pulis

Pilipino Star Ngayon

BUMABAGSAK ang imahe ng Philippine National Police (PNP) dahil sa mga “bugok” na mi­yembro pero maaari pa itong maisalba ng mga mabubuti at matatapat na pulis. Kaya pang hanguin ng mga tapat na pulis ang nakalublob na imahe ng pambansang pulisya sa pamamagitan ng pagpapakita ng katapangan.

Gaya ng ginawa ni PO2 Joselito Lantano, 44, na walang takot na nilabanan ang holdaper sa sinasakyang bus noong Martes ng madaling araw. Nakasakay si Lantano, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG), sa bus na biyaheng Fairview at nasa unahang upuan nang magdeklara ng holdap ang isa sa tatlong lalaki habang nasa tapat ng Nepa-Q-Mart sa Kamuning, EDSA. Ayon kay Lantano, tinutukan na siya ng baril sa ulo ng holdaper kaya mabilis niyang binunot ang kanyang baril at pinaputukan ito. Bumulagta ang holdaper. Nahuli naman ang dalawa pang kasamahan ng holdaper.

Ang mga katulad ni Lantano ang dapat i-promote agad ni PNP chief Dir. General Ronald dela Rosa. Ipresenta niya ito sa isang presscon at on-the-spot na itaas ng ranggo. Mahirap nang makakita ng pulis ngayon na buo ang loob at handang makipagsabayan sa mga walang kaluluwang holdaper.

May mga pulis na umuurong ang bayag kapag may mga masasamang-loob. Halimbawa ay ang dalawang pulis na nakunan ng CCTV sa isang con­venient store sa Pasig City na nag-unahan sa pagtakbo nang pasukin ito ng mga kawatan.

Sa panahong ngayon na maraming pulis ang sangkot sa pagpatay at pangingidnap, pagsa-shabu, pangongotong at kung anu-ano pang kabuktutan, ang ginawa ni Lantano ay malaking bagay para maiangat ang imahe ng PNP. Maaari pang maisalba ang PNP kung magpapakita ng katapatan, kabutihan at katapangan sa serbisyo ang mga pulis. Sila na lamang ang inaasahan na gagawa nito at wala nang iba pa.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with