^

Probinsiya

Drug peddler inutas sa ospital

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tinapos ng gunman ang nagpapagaling na 47-anyos na drug suspek na  nakaligtas sa pamamaril sa Cagayan habang nakaratay ito sa Far North Luzon Ge­neral Hospital sa bayan ng Luna, Apayao noong Martes ng gabi. ?

Ayon kay P/Insp. Jejet Lopit, deputy chief of police sa bayan ng Luna, katatapos lamang na operahan at nagpapagaling sa recovery room ang biktimang si Andres Jimenez nang ratratin ng gunman na dumungaw sa bintana mula sa labas dakong alas-9 ng gabi.?

Lumikha ng komosyon ang serye ng putok ng baril  kaya nagsitakbuhan ang mga bantay habang nagsisigawan at nag-iiyakan ang iba pang nakaratay sa pagamutan kaya mabilis na nakalayo ang gunman.?

Isinugod si Jimenez sa Cagayan Valley Medical Center subalit hindi na nakaabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib.?

Ayon kay Lopit, unang dinala sa ospital sa bayan ng Luna si Jimenez noong Lunes matapos itong barilin ng riding-in-tandem assassins sa katabing bayan ng Abulug, Cagayan.?

Nabatid na nasa drug watchlist si Jimenez ng PDEA sa bayan ng Abulug at ika-3 sa buong Cagayan sa drugwatchlist ng pulisya.

vuukle comment

JEJET LOPIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with