^

Metro

Sanggol natagpuang patay sa crib

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang buhay nang matagpuan ng isang ama ang isa sa kanyang kambal na sanggol nang kanya sanang papa-dedehin, Martes ng umaga sa Valenzuela City.

Idineklarang dead-upon-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital si Aidrick Colin Papa, 1 taon at 5 buwang gulang, ng Sitio Bilog, Brgy. Balangkas, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na beybi ng kanyang ama na si Paul Timothy.  Nabatid na papadedehin sana ni Paul Timothy ang kanyang mga anak na kambal na sina Aidrick at Aiden nang mapansin na hindi gumagalaw ang una.

Nakapaling umano ang ulo ng sanggol sa sirang bahagi ng crib at may bakas ng dugo sa ulo niya.  Nang kanyang kargahin ang sanggol, hindi na umano ito gumigising at malamig na ang katawan.

Agad na humingi ng saklolo si Paul Timothy sa mga kaanak na siyang nagsugod sa sanggol sa pagamutan.

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.  Isinailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng sanggol upang mabatid ang sanhi ng kamatayan at kung paano ito nangyari.

vuukle comment

AIDRICK COLIN PAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with