^

PSN Showbiz

McCoy laging galit umarte Ritz may anggulong bloated Sharon pumayag na pang-theme song

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sina Jimmy Bondoc, Ima Castro, at Isay Alvarez ang ilan sa mga celebrity na dumalo kahapon sa Palit Bise rally sa Quirino Grandstand. Ang bumaba sa puwesto ang panawagan kay Vice President Leni Robredo ng mga supporter ng Palit Bise.

SCENE: Magwawakas sa April 9 ang Your Face Sounds Familiar Kids ng ABS-CBN. Habang tumatagal, nagkakaroon ng irita factor kay Awra Briguela ang televiewers na mas gusto na panoorin siya sa kanyang karakter sa Ang Probinsyano dahil OA ang mga kilos at pananalita niya sa Your Face Sounds Familiar Kids.

SEEN: Hindi na rin natutuwa kay Xia Vigor ang viewers ng Your Face Sounds Familiar dahil hindi magandang halimbawa sa mga bata ang kanyang annoying smart aleck attitude.

SCENE: Hindi mahusay na moderator sa mga presscon ang radio DJ na si Jhai’Ho dahil isinasabay nito ang pagpo-promote sa sarili at hindi tama ang pili na pag-acknowledge niya sa presence ng invited press.

SEEN: Ang palaging galit school of acting ni McCoy de Leon sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado.

SCENE: Sold out ang tickets sa Pusuan Mo si Vice Ganda sa Amerika, ang concert ni Vice Ganda sa Los Angeles Theater noong Sabado.

SEEN: Curious ang mga tao na makilala si Renan Morales, ang race car driver na nali-link kay Kris Aquino. Hindi ang tipo ni Renan ang intimidated sa popularidad at star power ni Kris.

SCENE: Dapat alagaan ang anggulo ng mukha ni Ritz Azul sa telebisyon dahil may mga anggulo na bloated ang hitsura niya.

SEEN: Si Sharon Cuneta ang kakanta ng Hanggang Dulo, ang theme song ng La Luna Sangre, ang fantaserye ng ABS-CBN na mapapanood sa susunod na buwan at pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

vuukle comment

BLOATED SHARON PUMAYAG NA PANG-THEME SONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with