^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mistulang ‘sardinas’ na ang mga jail

Pilipino Star Ngayon

PUNUMPUNO na ng detainees ang mga jail sa buong bansa at karamihan sa mga ito ay drug suspect. Parang “sardinas” na ang mga jail at hindi na maganda ang kalagayan ng detainess dahil sa sobrang siksikan. Ang ganitong kalagayan ay nakikita naman ng human rights advocates at naidadagdag sa akusasyong ibinabato sa Duterte administrasyon kaugnay sa pakikipaggiyera sa illegal na droga.

Ayon sa report, 555 percent na congested ang jails sa bansa at karamihan sa mga nakakulong ay mahihirap na hindi kayang magpiyansa. Naka­dagdag sa pagsisikip ng jails ang mga naaares­tong drug suspect na halos araw-araw ay nadadag­dagan. Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), dumami ang mga detainee mula nang ma­ibalik ang “Oplan Double Barrel” o “Tokhang”. Pansamantalang itinigil ang “Tokhang” ng PNP nang dukutin at patayin ang isang Korean businessman na inakusahan ng mga pulis na sangkot sa droga. Pinatay ang Korean sa loob ng Camp Crame at ang mga suspect ay pawang pulis. Naging kontrobersiya rin ang na-videohang pagtatanim ng droga ng mga pulis sa isang raid sa establishment at hiningan ng pera ang may-ari.

Dahil sa pagsisikip ng mga jail, maski ang hagda­nan ay hinihigaan na ng detainess. Mayroong nag­hahalinhinan sa pagtulog. Mayroong patayo kung matulog at kung anu-ano pang paraan para lamang mairaos ang pamamahinga. Sa isang report, ang jail sa Biñan City, Laguna na naglalaman lamang ng 22 detainees ay mayroon ngayong 602. Wow!

Dapat gumawa ng paraan ang pamahalaan sa nangyayaring ito na umaapaw na ang mga jail. Kung hindi kaya ang parami nang paraming nahuhuli sa illegal na droga, hingin ang tulong ng private sector o international community para malutas ang pag-apaw ng detainees sa mga jail. Bakit hindi rin gamitin ang mga ipinagawang rehab centers na ayon sa report ay wala namang drug addict na nire-rehabilitate. Gawing prayoridad ang pagpapaluwag sa mga bilangguan para hindi maakusahang lumalabag sa karapatang pantao.

vuukle comment

MISTULANG ‘SARDINAS’ NA ANG MGA JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with