PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kampanya vs illegal software pinaigting pa

MANILA, Philippines -  Sa kabila ng patuloy na kampanya ng Pilipinas Anti-Piracy Team (PAPT), marami pa ring mga pribadong kompanya ang gumagamit ng hindi lisensyadong software sa kanilang mga opisina. 

Sa pakikipagtulungan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group, napag-alaman na may mga kompanya pa rin na hindi kaagad makapagpakita ng kaukulang lisensiya ng mga software na ginagamit nila. Bilang reaksyon sa report ng PAPT, nanawagan si Allan Gepty, Deputy Director General ng IPOPHL, na sana’y gumamit ang mga kumpanya ng lisensyadong software dahil makakatulong ito sa pag-develop ng Pilipinas bilang isang International IT Hub, na maaaring magpaunlad sa ating bansa.

Ang mga kumpanyang lumalabag sa IP Code of the Philippines (RA 8293) at Optical Media Act (RA 9239) ay maaaring ipasara, mabawi ang travel visa ng mga kaukulang may ari at tauhan nito; at maharap sa sakdal na kriminal. Ang sinumang mapatunayan ng namimirata ng software ay mahaharap sa siyam na taong pagka-bilanggo at multa hanggang P1.5 milyon.

Mayroon pang ibang malalaking problemang dala ang ilegal na software. Maaaring mag-crash ang computer at di ka pwedeng humingi ng tulong sa kompanyang naglabas ng software sapagka’t hindi genuine ang genuine na ginamit. a

May update lagi ang genunine software para labanan ang mga makabagong virus at nakakasirang code. Kung ilegal ang software, mahihirapan ang computer na iwasan ang panganib at kasamaang mula sa mga bagong virus, pati na ang cybercrime. 

Ang PAPT ay nagkakaroon ng mga programang nagbibigay kaalaman sa publiko at regular na nagsasagawa ng pagbisita sa mga kompanya para masiguro ang pagsunod sa mga itinatakda ng ating batas.Ang PAPT ay itinatag noong 2005 kung saan pinagsama ang National Bureau of Investigation, Optical Media Board, PNP, at IPOPHL. Itinataguyod ng PAPT ang aktibo at sama-samang pagkilos ng pamahalaan para masugpo ang mga masasamang dulot ng ilegal software at pamimirata sa industrya ng IT at sa ekonomiya ng bansa. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: