^

Pang Movies

Marian naghahanap ng mga may bingot!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tuloy na ang pagbabalik muli sa Encantadia ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito ang ipinahayag ni Marian sa Chika Minute segment ng 24 Oras last Friday evening.

Kung matatandaan sa pagsisimula ng epic serye last year, si Marian ang gumanap na Ynang Reyna Mine-a, ina ng mga Sang’greng sina Pirena, Amihan, Danaya at Alena ng kaha­rian ng Lireo.

Asawa naman niya si Dingdong bilang si Haring Raquim, ang hari ng kaharian ng Satoria.  Pareho silang namatay na, pero bilang mga diwata at mga diwani, at dahil telefantasiya ang  Encantadia,  pwedeng muling bumalik ang mga katauhan nila.

Post ni Marian sa kanyang IG: “Mom and Dad are co­ming home. Everyone in Lireo is going to be grounded #ReynaMinea #Haring Raquim”

Sa pagpapatuloy ng interview kay Marian, ipinahayag din niya na hindi maapektuhan ng pagbalik nila sa telefantasiya ang mga project na gagawin nilang mag-asawa.

“May gagawin kaming tig-isang soap, tapos iyong promise namin sa inyong rom-com series, itutuloy pa rin namin iyon pagkatapos ng soap namin,” dagdag ni Marian.

Mukhang ready na si Marian sa lahat ng trabaho niya, bukod pa sa regular Sunday show niyang Sunday PinaSaya at paggi-guest sa iba pang shows sa GMA 7, at sa advocacies na patuloy niyang tinutulungan.

Last week, muli siyang dumalo sa celebration ng mga disabled women and children. Pangatlong taon na ito ni Marian bilang Ambassador for Women & Children with Disabilities.

Nag-post na rin muli si Marian sa IG ng isa pa niyang advocacy, ang pagtulong niya sa mga batang may cleft lip or palate, sa pamamagitan ng @smiletrainph.

“Smile mo share mo...kaya’t kung may kilala kayong may cleft lip or palate, itext o itawag sa Smile Train para sa libreng operasyon sa numerong 0917-52TRAIN (0917-52-87246).  Mas masarap sa pakiramdam kung marami ang masaya at nakaka­ngiti. #YANangsmile @smiletrainph.”

Bukod sa lahat ng ito, malapit na rin ang pagbubukas ni Marian ng kanyang flower arrangement business na #FloraVidabyMarian.

Anak ni Angelu wagi sa jackpot en poy

Araw ng mga bata sa Eat Bulaga kahapon kaya mga bata na ang feature performers sa simula pa lamang ng opening ng top-rating noontime show.  Muli ngang itinampok ang Broadway Boys na nagkaroon ng mini-concert with Ms. Kuh Ledesma.

Napuno ng tension ang mga nanay at tatay na artista dahil ang mga anak nila ang contestant sa Jackpot En Poy segment ng show.  Sabi nga ni Allan K, parang gusto raw madyingle sa nerbyos si Ryan Agoncillo dahil ang anak na si Lucho ang contestant ng blue team, si Doreen, ang anak ni Sunshine Dizon naman sa yellow team, si Matilda na anak ni Tanya Garcia sa green team at si Rafa ang anak ni Angelu de Leon sa red team.

Naglaban sa jackpot prize sina Matilda at Rafa, pero si Rafa ang pumasok sa jackpot.  Ang five year-old boy ay nanalo sa dalawa out of three contestants na nakalaban niya at nag-uwi siya ng 50K as cash prize.

 

vuukle comment

ENCANTADIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with