^

Police Metro

15 katao tiklo sa One Time Big Time Operation

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labinglima (15) katao  ang inaresto ng mga awtoridad  sa isinagawang One Time, Big Time (OTBT) operation ng mga awtoridad sa Brgy. West Crame, San Juan City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay  Eastern Police District (EPD) Director P/ Chief Supt. Romulo Sapitula, bandang alas-9 ng gabi nang isagawa ng San Juan City Police at District Public Safety Batallion (DPSB), ang operasyon sa pangunguna nina P/Sr. Supt. William Segun, sa Brgy. West Crame ng lungsod.

Kabilang sa mga naaresto ay si Ramil Bagagono, 50, driver, taga Brgy. Little Baguio, San Juan City, may warrant of arrest sa kasong child abuse,  isang may warrant of arrest dahil sa resistance at disobedience to an agent of a person in authority  na nakilalang si Jun Garce, 45, driver ng Brgy. Salapan ng naturan ring siyudad.

Samantalang anim naman sa mga naaresto ay sangkot  sa paglabag  sa PD 1602 o illegal gambling at apat naman ang inaresto dahil sa paglabag sa city ordinance No. 24 o drinking in public places. Ang iba naman ay dahilan sa hindi pagsunod sa traffic sign at isang pumasok sa “One Way”.

Inihayag pa ni Sapitula, maayos na natapos ang operasyon bandang alas-11:30 ng gabi  na bahagi ng kanilang programa para labanan ang kriminalidad sa kanilang nasasakupan.

 

vuukle comment

OTBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with