^

Police Metro

PNP walang rekord sa ‘palit-ulo’!

Joy Cantos - Pang-masa

Kahit isa, wala talaga!

MANILA, Philippines - Negatibo o wala ni isa mang natanggap na reklamo ang Philippine National Police (PNP) laban sa kanilang mga personnels hinggil sa umano’y ‘palit –ulo  scheme’ na ibinulgar ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng pinaigting na giyera kontra droga  sa bansa.

“, Zero, it’s negative. So far,  we are not getting any complaints regarding her version of ‘palit-ulo scheme’ ,  pahayag ni Chief Supt. Dennis Siervo, Chief ng PNP Human Rights Affairs Office.

Una nang iniulat ni  Vice President Robredo sa United Nations ang serye umano ng mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte  na dahilan umaabot na sa mahigit 7,000 ang mga biktima ng extra judicial killings.

Sa pagbubulgar ni Robredo sa UN, ang ‘palit ulo scheme’ kapag hindi umano nakita ang target na drug personality sa ­operasyon ng mga awtoridad partikular na sa mga mahihirap na komunidad ay ang mga miyembro ng pamilya nito ang kanilang huhulihin.

Sakali naman ayon sa opisyal na may mga nangyayaring ‘palit ulo scheme’  sa mga barangay ay maaring maharap ang mga pulis na sangkot sa paglabag sa protocol sa kasong arbitrary detention at unlawful arrest.

Patuloy naman, ayon pa sa opisyal ang kanilang monitoring kung nasusunod ng PNP personnels partikular na ang mga anti-drug operatives  ang protocol sa paggalang sa karapatang pantao sa bawat isinasagawang ­operasyon.

Samantalang, ipinunto pa nito na dapat ipaalam ng mga operatiba ang karapatan ng mga inaarestong kriminal  at dapat ay mayroon ang mga itong dalang mga lehitimong warrant of arrest na inisyu ng korte.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with