PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

VP Leni pinagso-sorry ng VACC

Kumbinsido ang Vo­lunteers Against Crime and Corruption na maituturing na treason ang mga paratang at pagpuna na binitiwan ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war ng administrasyong Duterte kaya’t dapat lang itong mag-sorry. OVP/Released

MANILA, Philippines -  Kumbinsido ang Vo­lunteers Against Crime and Corruption (VACC) na maituturing na treason ang mga paratang at pagpuna na binitiwan ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war ng administrasyong Duterte kaya’t dapat lang itong mag-sorry.

Partikular na kinondena ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez ang pahayag ni Robredo na ipina­dala sa pamamagitan ng video message sa United Nations na mahigit pitong libo na ang namamatay sa mga summary execution.

Ang anim na minutong video message ay ipinalabas sa session ng 60th United Nations on Narcotic Drugs Annual Meeting sa Vienna, Austria noong March 16.

Ayon kay Jimenez, tahasang pinalulutang ni Robredo sa buong mundo na tayo ay bansa kung saan hindi na umiiral ang gobyerno.

Sinisira umano ni Robredo ang imahe ng bansa base sa hindi naman beripikadong paratang na ang nagiging epekto ay ang pagsira rin sa imahe ng mga Pilipino. Dahil dito, maituturing na umanong pagtataksil ang ginawa ni Robredo.

Kaugnay nito, susulat umano ang VACC kay Robredo at hihilingin na siya ay gumawa ng public apology. Pero sakali umanong tumanggi si Robredo na humingi ng paumanhin, isa sa mga ikinukunsidera nila ang paghahain ng disbarment case laban sa bise-presidente. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: