PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Supt. Marcos, 18 pa sa Espinosa slay sumuko na

Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos kasalukuyan nang isinasailalim sa booking procedure tulad ng finger printing, mug shot at medical examination sina Supt. Marvin Wynn Marcos.

MANILA, Philippines -  Sumuko na sa ka­nilang mga superiors ang 19 pulis sa pamumuno ni Supt. Marvin Wynn Marcos na ipinag-utos ng korte na arestuhin kaugnay ng kasong murder laban kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na napatay sa raid sa detention cell noong Nobyembre noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos kasalukuyan nang isinasailalim sa booking procedure tulad ng finger printing, mug shot at medical examination sina Supt. Marcos.

Ang pag-iisyu ng warrant of arrest ni Presiding Judge Carlos Arguelles ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14 ng Baybay City ay kinumpirma ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa kaugnay ng kasong murder.

Kabilang naman sa mga isinailalim sa booking procedure ay sina Supt. Marcos, dating Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 8; Supt. Santi Noel Matira, Chief Inspector Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johnny Ibañez, Chief Inspector Calixto  Canillas Jr., SPO4 Juanito  Duarte, PO1 Lloyd  Ortigueza, Sr. Insp Fritz Blanco, PO1 Bhernard  Orpilla, Sr. Inspectors Deogacias Diaz III, SPO2 Benjamin Dacallos, PO3 Norman Abellanosa, PO1 Jerlan  Cabiyaan, Insp Lucrecito  Candilosas, SPO2 Antonio  Docil, SPO1 Mark Christian Cadilo, PO2 Jhon Ruel Doculan at  PO2 Jaime  Bacsal.

Sinabi ni Chief Supt. Elmer Beltejar, Police Regional Office 8 Regional Director, ang mga suspek ay boluntar­yong sumuko sa kaniyang tanggapan para sa accounting at imbestigasyon sa mga ito matapos na ipalabas ng korte ang warrant of arrest.

Magugunita na si Espinosa Sr. ay napatay sa raid ng CIDG 8 sa Sub Provincial Jail ng Baybay City Jail noong Nobyembre 5, 2016 kung saan nadamay din sa insidente ang drug suspek na si Raul Yap.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabatid na ang nasabing alkalde ay ama ni Rolan Kerwin Espinosa Jr., ang itinuturong number 1 drug lord ng Eastern Visayas Region.

Samantalang nauna nang lumitaw sa im­bes­tigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na rubout ang pangyayari at ayon naman sa pagdinig ng Senado ay sinadyang patahimikin ang alkalde bilang cover-up sa pagkakasangkot ng ilang mga akusadong opisyal sa payola sa illegal drug trade ni Rolan Kerwin.

Samantala, pinasasampahan ng kasong administratibo ng Department of Justice ang hukom sa Lalawigan ng Samar na nag-isyu ng search warrant sa kulungan nina Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa at ng isa pang bilanggo na si Raul Yap.

Sina Espinosa at Yap ay nakakulong sa Leyte Sub-Provincial Jail at napatay sa ginawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 noong November 5, 2016.

Sa 24-pahinang re­solusyon na may petsang March 2, 2017, inirekomenda ng DOJ na maipagharap ng administrative complaint si Judge Tarcelo Sabare, Executive Judge ng Basey Samar Regional Trial Court.

Kaugnay nito, bibigyan ng kopya ng reso­lusyon ang Office of the Court Administrator para sa kaukulang hakbang na gagawin sa nasabing hukom.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: