PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Distance learning program inilunsad ng DepEd

Inilunasad ng pamu­nuan ng Department of Eductation (DepEd) ang Open High School Program (OHSP) para sa lahat ng kabataan  na dropouts sa bansa. File photo

MANILA, Philippines - Inilunasad ng pamu­nuan ng Department of Eductation (DepEd) ang Open High School Program (OHSP) para sa lahat ng kabataan   na dropouts sa bansa.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ang programa ay isang modelo ng distance learning para abutin ang mga kabataan na hindi nag-aaral lalo na ang may kapansanan o ang may problema sa pananalapi.

Sinabi ni Briones,   ang OHSP ay parte ng plano ng kagawaran para mabawasan ang bilang ng mga dropout sa bansa.

Aniya, layon nilang gamutin ang posibilidad na tumigil sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa mga problemang personal.

Sa ilalim ng programang ito ay sasailalim ang mga dropout independent, self-paced at flexible study programs gamit ang self-instructional materials.

Ang mga mag-aaral sa ilalim ng OHSP ay suportado rin ng mga guro na kanilang makakasama paminsan-minsan depende sa kahalagahan ng dapat na ituro.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lahat ng mga subject ay puwedeng matutunan sa labas ng mga paaralan ngunit ang Physical Education at laboratory ay sa loob ng paaralan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: