PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Wala akong alam diyan’- Digong

President Rodrigo Duterte.  

Sa bantang impeachment vs Robredo

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nasa likod o may kinalaman sa planong pagsampa ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa panayam kay Pa­ngulong Duterte sa Davao International Airport bago umalis patungong Myanmar kahapon. sinabi ng Pangulo wala siyang masamang intensiyon laban sa pangalawang pangulo sabay giit na tapos na siya sa politka.

Aniya, tanging focus niya ngayon ay gawin at tuparin ang lahat ng kaniyang ipinangako sa taumbayan.

Iginiit ng Pangulo na mas nais niyang tutukan ang para sa kabutihan ng Pilipinas at ng mga Pilipino, gayundin aniya ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad, korapsyon.

Idniin niya na kanyang gagawin ito kahit pa raw ang kapalit nito ay ang kanyang buhay at posisyon sa pamahalaan.

Dagdag pa nito na wala umano siyang pakialam sa buhay ng bise presidente at umaasa na lamang na hindi rin pakikialaman ng opisyal ang kanyang buhay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Wala akong pakialam sa kanya, sana wag niya ring pakialaman buhay ko.”

Sinabi ng pangulo na nirerespeto niya ang inihaing impeachment complaint laban sa kanya.

Ayaw din daw niyang mag-speculate kung may kinalaman nga ba ang pangalawang pangulo sa usapin na ito.

Samantala, ipinauubaya ng Malacanang sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kredibilidad ng impeachment complaint na isinampa ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano laban sa Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi mapipigilan si Pangulong Duterte sa pagtatrabaho at pagtutok sa pamamahala sa kabila ng impeachment complaint laban dito na inihain sa Kongreso.

“Nakapokus ang Pa­ngulo sa pamamahala at kapakanan ng publiko lalo na sa pagbuo ng inklusibo at progresibong bansa na malaya sa krimen, droga at katiwalian,” sabi pa ni Abella. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: