PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Leni nagmamadali palitan si Digong sa impeachment complaint – Alvarez

MANILA, Philippines – Dahil sa takot na mawalan ng pwesto, minamadali na ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagpatatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng impeachment, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa kaniyang panayam sa telebisyon, inakusahan ni Alvarez si Robredo na may kinalaman si Robredo sa paghahain ng impeachment complaint ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa Kamara.

“Maliwanag na maliwanag po (may kinalaman si Robredo sa reklamo),” wika ni Alvarez sa kaniyang panayam sa Unang Balita ng GMA.

“Nagmamadali (Robredo) dahil malamang natatakot siya na kapag binilang ‘yung resulta noong eleksyon ay talagang hindi aabot dahil alam naman niya na hindi totoong talagang nanalo siya,” dagdag ng House Speaker.

Tinutukoy ni Alvarez ang electoral protest ng talunang vice presidential Bongbong Marcos laban kay Robredo na nakabinbin ngayon sa Korte Suprema.

Aniya tanging si Robredo lamang naman ang makikinabang kapag nasibak sa pwesto ang Pangulo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Definitely yes, Sino pa ang magbe-benefit diyan?”

Samantala, nitong Lunes ay ipinagtanggol ni Duterte si Robredo at sinabing walang kinalaman ang ikalawang pangulo sa mga destabilisasyon.

“Yung po ang pananaw ng ating Pangulo, ngayon ang aking pananaw ay iba naman,” sagot ni Alvarez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: