PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Impeachment complaint vs Duterte

MANILA, Philippines— Naghain na ng kauna-unahang impeachment complaint ang isang mambabatas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y betrayal of public trust at corruption.

Ilan sa mga pinuna ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa kaniyang reklamo ang paglabag sa Section 2 at 3 ng Saligang Batas si Duterte.

"Yung pagpapatay ng mga Pilipino na hindi man lang dumaan sa proseso, democratic processes na mayroon tayo sa ngayon, ang paglabag ng rule of law and due process. At mahigit na po 8,000 ang namatay sa ngayon," pahayag ni Alejano sa isang pulong balitaan sa Kamara kung saan niya inihain ang impeachment complaint.

"Graft and corruption, napapaloob po dito ang kanyang bank accounts, marami ho ito. Around P2.2 billion at hindi man lang ho ito nai-declare sa kanyang SALN, at kasama ho rito ang mga properties na hindi po niya dineclare sa kanyang SALN (Duterte has a number of bank accounts amounting to P2.2 billion that was not disclosed in his statement of assets, liabilities and net worth)," dagdag niya.

Sinabi pa ni Alejano na umabot sa 11,000 ghost employees ang ginawa ng lokal na pamahalaan ng Davao City noong si Duterte pa ang alkalde.

Aniya pinag-aaralan pa nila kung nagkaroon ba ng “secret agreement” si Duterte sa China, kabilang ang pagpayag na papasukin ang mga barko sa Benham Rise.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tila mahihirapan lumusot sa Kamara ang reklamo ni Alejano lalo na’t karamihan ng mambabatas ay kabilang sa “supermajority” na kaalyado ng Pangulo.

Sa pagpapasa lamang ng pagbabalik ng death penalty ay 217 ang pumabor habang 54 lamang ang kumontra.

SI Alejano ay kaalyado ni Sen. Antonio Trillanes IV na kilalang kritiko ng Pangulo.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: