PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte bibisita sa Thailand

MANILA, Philippines — Nakatakdang lumipad patungong Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo upang patatagin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Makakasama ni Duterte sa bilateral meeting si Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha sa Marso 20 hanggang 22.

"President Duterte is expected to share with Thai officials information on various developments in the country, as well as the priorities and programs of the Philippines for its ASEAN Chairmanship in 2017," pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Bukod sa official visit ay kakamustahin na rin ng Pangulo ang nasa 16,000 Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Thailand.

Nagsimula noong 1949 ang pagtutulungan ng Pilipinas at Thailand kung saan ipagdiriwang ang ika-68 taon nito sa Hunyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: