^

Kutob

Marso 15, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pundasyon ng aming tahanan ay titibay, tatag sa tamang pagkakataon, magaganap ayon sa kalooban ng aking Manlilikha.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan  nang mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan na magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat paunlakan dahil ikaw ang makapagbibigay ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May gantimpala na nakalaan sa pagbibigay ng abuloy o tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan. Ang gustong gawin kung paglalaanan  ng panahon ay maisasakatuparan. Magiging suwerte kung kikilos kaagad para sa iyong binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

 TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang gawain na hindi nagawa ay may daan para maharap at matapos ngayon. Malakas ang magneto nang pakikipagsapalaran, subalit ang masusing  pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay bagay para makapag-isip ng magandang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soul-mate o twinflme. Kung isang Leo o kapwa Gemini ang makikilala,  hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang makipagkaisa sa tahanan o maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon, dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Napapanahon upang humingi ng tawad kung may pagkakasala at magpatawad kung may nagkasala sayo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang desisyong ginawa, maging ito ay tama o mali. Pag-isipan at maging mahinahon sa ginagawa o gagawin nang maiwasan na magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil iiral ang pagkabangis sa bagay na hindi magugustuhan o sasang-ayunan ng lahat. Iwasan ang mapagbiro at makantiyaw na tao upang malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa, pamamasyal o panunood ng sine. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho o biro. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang makipaghuntahan o dalawin ng pagkatamad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kailangan ang mahigpit na disiplina sa sarili dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya o ikalungkot. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging masuwerte sa anumang uri ng negosyo kung makapagsisimula ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung isang buy ang sell ang negosyo. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mga pangyayari tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kahit masakit sa kalooban, paglabanan muna ang kagustuhang mamili dahil kapos ka. Kakapusan ng pera ang suliranin subalit kung pagsisikapan ay matutugunan. Prayoridad ang mga kailangan sa tahanan kaysa ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with