^

PSN Showbiz

Maine bawal umihi sa mga kalaban! Marc Pingris at Danica Sotto mas kinabahan sa renewal of vows!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Inaasahan na ng dating Sen. Bong Revilla na hindi siya pagbibigyan ng Sandiganbayan na makadalo sa kaarawan ng kanyang amang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. bukas ng gabi.

Gusto raw sana niyang subukang mag-request sa korte, pero ayaw na lang niyang mag-expect pa. Pero ipinagdasal niyang mapagbibigyan siya dahil 90th birthday naman ito ng kanyang ama, at gusto sana niyang maging bahagi sa selebrasyon bilang pasasalamat na rin sa successful operation na ginawa sa kanya nung nakaraang Pasko.

Malaking bagay daw na nakaya at nalagpasan ng Daddy niya ang nasabing operasyon.

PAK: Tuwang-tuwang ikinuwento ng ilang taga-Destined To Be Yours kung gaano ka-cowboy si Maine Mendoza. Wala raw itong kaarte-arte kahit saang set siya ilagay.

Minsan daw nag-taping sila sa isang kalye sa Quezon City, nakaramdam daw si Maine na parang naiihi na siya.

Tracking shot kasi ang kukunan kaya sandali lang sila sa kalye. Kaya naghanap sila ng maayos na lugar na puwedeng maki-CR.

Kaya lang, ang mga nadaanan nila ay kalaban ng mga endorsement ni Maine. Kagaya ng isang fastfood na hindi puwedeng pasukin ni Maine dahil endorser siya ng McDonalds. May nadaanan din daw silang opisina ng isang telecommunication, na hindi rin puwede dahil meron itong ini-endorse na kalaban ng nasabing kompanya.

Kaya ang ending, napunta raw sila sa isang maliit na sari-sari store.

Tuwang-tuwa raw ang mga tao sa sari-sari store dahil naki-CR sa kanila si Maine.

BOOM: Dinaluhan ng buong pamilya ng mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto ang kanilang renewal of vows na ginanap sa Antonio’s Fine Dining sa Tagaytay nung nakaraang Sabado ng hapon. Bahagi iyon ng kanilang selebrasyon ng 10th wedding anniversary.

Sabi nina Danica at Marc, mas nakakakaba raw pala at mas emotional sa renewal dahil iba ang pakiramdam ngayong kumpara noon na bata pa lang sila nang ikasal.

Sabi ni Marc, “Aminin ko mas kabado ako nitong renewal namin kasi siguro lahat masaya, happy ganun. Sobrang in love ‘di ba?”

Dagdag na pahayag ni Danica, “Nu’ng naglalakad na ako, pinagtawanan ko pa si Marc, kasi sabi ko nga feeling ko ‘ano ba yan, hindi naman to kasal, vows lang ganyan.

“Pero parang nu’ng nag-exchange na kami ng vows, parang nakakaiyak pala, kasi nu’ng dati nu’ng ikinasal kami magkahalong kaba lang kasi bata pa kami.

“Ngayon, ang nararamdaman mo pagpapasalamat sa Diyos, sa mga taong nakapaligid sa ‘yo, sa mga tumulong na hindi okay…I mean hindi perfect ang pagsasama kumbaga umabot kami ng 10 years.”

Hindi lang daw nakarating ang ama ni Marc dahil nasa France ito. Hindi naman daw ganun kadali ang renewal of vows pero ang maganda ay ang bahagi ng honoring the pa­rents.

Medyo emotional daw doon si Danica dahil nakikita niyang masaya ang parents nila. Congratulations sa mag-asawang Marc at Danica!

vuukle comment

RAMON REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with