^

Para Malibang

Piolo noon pa gusto si Yen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Diretsahang sinabi ni Piolo Pascual na gusto niya si Yen Santos na makapareha noon pa kaya naman hindi siya nagdalawang-isip nang sabihin sa kanyang ito ang magiging leading lady niya sa pelikulang Northern Lights: A Journey to Love kung saan ay isa rin sa producer si Papa P under his Spring Films.

“Gusto ko si Yen, sinabi ko sa kanya sa Star Magic Ball a couple of years back, hindi niya naaalala. Noong una kaming nagkita, sabi ko, ang ganda-ganda ng mukha niya, napaka-pleasant ng aura niya, so sabi ko, you know, bihira ‘yung ganyan na your aura is different at talagang may star material so when this project came about, hindi ako nagdalawang-isip kasi napapanood ko siya sa All of Me that time Direk Dondon (Santos) pitched the concept to me, napapanood ko siya du’n, so sabi ko, very effective siya sa role niya, so hindi ako nagda­lawang-isip,” pahayag ni Papa P. sa presscon ng movie.

Ayon naman kay Yen, nang malaman niya rin na si Piolo ang makakapareha niya sa kanyang first movie ever, sobrang na-overwhelm siya talaga.

Wala na po akong nasabi. Sobrang overwhelming ang pakiramdam kasi siyempre po, hindi ko naman aakalain na sa unang pelikula ko, siya agad ang makakapareha ko and siya talaga ang pangarap kong makatrabaho and ngayon po, natupad na kaya sobrang thankful,” sey ni Yen.

Sa presscon ay panay ang tawa ni Yen at obvious talaga na ang saya-saya niya.

Sey nga niya nang makatsikahan namin after the presscon, “siyempre, kasi naman, Piolo Pascual ‘yan, eh. Parang kahit sino naman.”

May scene sa trailer na naka-topless si Papa P at parang may intimate scene sila kaya natanong si Yen kung paano niya na-keri ang eksena.

“Syempre po, pagdating naman po sa set, dapat professional,” natatawa na naman niyang sabi.

Ano ang naramdaman niya habang kinukunan ang intimate scene?

Kinaya ko naman po. Hindi naman po maraming takes. Hindi ko ma-explain,” sey ni Yen sabay-tawa na naman.

Paliwanag naman ni Piolo, “no, because we really wanted to of course, cater du’n sa young audience, especially kay Raikko (Mateo na isa rin sa cast), sa edad niya, so it was Direk Dondon’s concern to not go overboard especially sa mga eksenang maseselan.

“But a lot of it was insinuated. Pero kasi, kailangan sa istorya, so it’s very intense to climax du’n sa story namin.”

Ang masasabi lang ni Piolo kay Yen habang ginagawa nila ang mga intimate scenes, “very sensual si Yen. That’s one thing also I like about her, as young as she is.”

Showing na sa March 29 ang Northern Lights mula sa Regal Entertainment, Spring Films at Star Cinema.

Piolo bagong ambassador ng OMB

After the Q&A ay nakatsikahan pa namin si Papa P tungkol naman sa kanyang pagiging newly-appointed celebrity ambassador ng Optical Media Board (OMB).

“It’s a privilege. It’s an opportunity to exercise your celebrity status and use it for the right reasons. ‘Yung mga ganitong cause ang pinagpapasalamat ko, kasi you know, it’s an advocacy na walang bayad.

“Pero since you belong to the cinema, you belong to this industry, entertainment industry so best foot forward and at the same time, however, you can use your influence to spread the cause, di ba? So malaking karangalan ‘yun sa akin bilang artista,” pahayag ni Papa P.

Handa raw siyang tuparin ang anumang activities o responsibilidad na kaakibat ng kanyang bagong posisyon.

“Whatever siguro program that they have, kung anuman ‘yung mga activities na pwede akong pumunta, just to really you know, create awareness, siyempre, so ‘yun, mag-uusap pa kami tungkol sa mga activities namin na mangyayari,” sey ni Piolo.

 

 

 

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with